P1-B Ultra lotto jackpot winner namudmod ng balato
MANILA, Philippines — Namigay ng balato sa mga katrabaho at kabarangay niya ang Ultra Lotto jackpot winner sa Borongan, Eastern Samar.
Nasa P472 million ang nakuha ng masuwerteng mananaya mula sa P1.18-billion Ultra Lotto jackpot noong October 14.
Nabatid na naglaan ng P4.8 milyon ang naturang winner na kanyang ibinigay sa kanyang mga kasamahan sa trabaho sa city hall o tig-P5,000 bawat isa.
Maging ang mga tricycle driver sa kanilang lugar ay naambunan din ng biyaya.
Sa Lunes ay ipapamahagi naman ng masuwerteng winner ang tig-P5,000 sa kanyang mga kapitbahay sa kanilang barangay.
- Latest