^

Bansa

Mga kongresista tuloy pa rin sa paggamit ng plakang ‘8’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga kongresista tuloy pa rin  sa paggamit ng plakang �8�
Ginawa ni Arroyo ang kautusan matapos makita ang sasakyan ng ilang kongresista na gumagamit pa rin ng plakang otso.

MANILA, Philippines — Nanindigan si House Speaker Gloria Arroyo sa kanyang kautusan na bawiin ang protocol plate number na otso ng mga kongresista.

Ginawa ni Arroyo ang kautusan matapos makita ang sasakyan ng ilang kongresista na gumagamit pa rin ng plakang otso.

Sinabi ni Arroyo na opisyal ang kanyang kautusan para sa recall ng protocol plates na binasa sa plenaryo noong Miyerkules.

Ipinauubaya naman ng Speaker sa Secretary General ng Kamara ang pag-imbentaryo ng mga na-issue na protocol plates sa mga naging kongresista hanggang noong 16th Congress.

Bahala na rin umano ang House Secretary General kung ano ang nararapat na hakbang ng Kamara laban sa mga kongresista na hindi magsasauli ng protocol plate.

Kahapon naman sa Sandiganbayan, ay naka-otso na plaka pa rin ang ginamit na coaster ng pamilya ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Bukod dito mayroon pa rin pumapasok sa Batasan complex na isang puting Land Cruiser gamit pa rin ang protocol plate.

vuukle comment

GLORIA ARROYO

PLATE NUMBER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with