^

Bansa

Tax amnesty bill lusot

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tax amnesty bill lusot
Pumirma ang mga estudyante sa isang petisyon na humihiling sa Senado na itaas sa maximum rate ang tobacco tax sa layong mabawasan ang mga naninigarilyo at mabigyan ng pondo ang pagpapatupad ng Universal Health Care.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang panukala na naggagawad ng tax amnesty na bahagi ng TRAIN law.

Sa ilalim ng substitute bill, bibigyan ng amnestiya iyong hindi nabayarang buwis na ipinataw ng gobyerno mula 2017 at nauna pang mga taon dito.

Ang taxpayer na gustong makakuha ng amnesty ay dapat magbayad ng 8% ng kanilang net worth sa taong 2017.

Bukod dito, ginawa rin simple ang pagpapataw ng buwis dito sa layuning iwasan ang katiwalian at mapa­lakas ang koleksyon sa pamamagitan ng pagpapalawak ng taxpayer base.

“This priority bill of mine, is a landmark bill that will help both the government in revenue collections and as well as fix the nightmare of individuals and corporate taxpayers. Once individuals avail the tax amnesty, they will all have a clean slate in terms of tax payments,” pahayag naman ng author ng panukala na si 1 Pacman partylist Rep. Mikee Romero.

Naniniwala rin si Romero na magdudulot ng malaking pakinabang sa ekonomiya ng bansa ang nasabing panukala dahil tataas ang makokolektang buwis ng gobyerno.

Inaasahang isusumite na ito sa rules committee para maisalang agad sa plenaryo.

vuukle comment

TAX AMNESTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with