^

Bansa

Batas sa sexual harassment pinalakas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Batas sa sexual harassment pinalakas
Sa botong 162 pabor at walang tumutol, lusot na ang House bill 8244 at aamyendahan nito ang Republic Act 7877 o Anti-sexual harassment act.

MANILA, Philippines — Aprubado na sa final reading ang panukalang magpapalakas sa batas laban sa sexual harassment.

Sa botong 162 pabor at walang tumutol, lusot na ang House bill 8244 at aamyendahan nito ang Republic Act 7877 o Anti-sexual harassment act.

Nakasaad dito ang pagpaparusa sa mga gagawa ng sexual harassment sa pamamagitan ng physcial, verbal o visual gamit ang internet o iba pang teknolohiya sa loob o labas man ng lugar ng trabaho, paaralan o training institutions.

Mananagot din dito ang mga superior o person in authority na tatanggap, magbibigay ng pabor sa trabaho tulad ng appointment, promosyon sa benepisyo at kumpensasyon kapalit ng sexual favor.

Kasama rin sa ilalim ng batas ang sinuman na mambabastos sa kasamahan sa opisina o mang-iinsulto sa katrabaho dahil sa sexual orientation nito gayundin ang inbidwal na mangsusulsol o mangu­ngunsinti sa sexual harassment ng iba.

Habang ang mga boss na hindi aaksyon sa kaso ng sexual harassment ay papanagutin na rin lalo na kung lantaran ang ganitong insidente sa kanyang tanggapan.

vuukle comment

SEXUAL HARASSMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with