^

Bansa

Bigtime rollback kasado!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bigtime rollback kasado!
Sinabi ng mga eks­perto sa oil industry na posibleng matapyasan ng P2.40- P2.50 ang kada litro ng gasolina, P2-P2.10 sa diesel at P1.70-P1.80 naman sa kerosene.
Boy Santos

P2.50 sa gasoline P2.10 sa diesel

MANILA, Philippines — Isang malakihang rolbak sa mga produkto ng petrolyo ang lalarga nga­yong linggo dahil sa pagmura ng mga inaangkat na langis ng bansa.

Sinabi ng mga eks­perto sa oil industry na posibleng matapyasan ng P2.40- P2.50 ang kada litro ng gasolina, P2-P2.10 sa diesel at P1.70-P1.80 naman sa kerosene.

Ito na ang ikalimang sunod na linggo na magpapatupad ng rolbak ang mga kumpanya ng la­ngis makaraan ang halos linggu-linggong pagsirit ng presyo ng petrolyo na nagresulta ng mataas na infl ation sa bansa.

Una nang naghayag ng kahandaan na mag-rolbak ang kumpanyang Unioil ngayong papasok na linggo. Sa kanilang datos, mula Oktubre 15, nasa P3.10 kada litro na ang ibinaba ng kanilang diesel at P5.55 kada litro sa gasolina.

Sa datos naman ng Department of Ener­gy (DOE), naglalaro ngayon ang diesel mula P43.55-P48.79 kada litro at ga­soline mula P48.75 hanggang P59.07 sa iba’t ibang panig ng bansa. 

vuukle comment

GAS

OIL

ROLLBACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with