^

Bansa

Cayetano pinuri ng bagong DFA chief

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Cayetano pinuri ng bagong DFA chief
Sa isang post sa Twitter, pinuri ng bagong DFA Secretary na si Teodoro Locsin Jr. ang mga ipinatupad na reporma ni Cayetano noong panahon ng panunungkulan nito sa ahensya.
DFA/Elmer Cato

MANILA, Philippines — Mas napahusay ang pagpoproseso ng passport pati na rin ang serbisyo at tulong para sa mga OFW sa buong mundo sa ilalim ng pamumuno noon ni dating Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Sa isang post sa Twitter, pinuri ng bagong DFA Secretary na si Teodoro Locsin Jr. ang mga ipinatupad na reporma ni Cayetano noong panahon ng panunungkulan nito sa ahensya.

Sinabi ni Locsin na mas napaganda ang frontline services ng DFA at mas umikli ang oras ng paghihintay para sa paglabas ng passport sa anim na araw. 

Resulta ito ng mga programang ipinatupad simula pa noong isang taon kasama na ang pagdagdag ng kapasidad ng DFA na tumanggap ng bugso ng mga aplikante. Kasama na rito ang pagtanggap ng payment sa e-payment scheme at ang pagbubukas ng mahigit na 10,000 slots simula 12 noon at 9 p.m., Lunes hanggang Sabado, hindi lamang kasali ang holiday.

Upang mapataas pa ang kapasidad, gumawa ng mga hakbang ang DFA, kasama na rito ang paglulunsad ng e-payment portal kung saan tumaas ang showup rate ng mga aplikante mula 65 porsyento ay naging 95 porsyento at lalong pinabilis ang pagproseso ng papeles kaya mas maraming aplikante ang natatanggap ng DFA.

Bukod sa pagbabago ng pagpoproseso ng pasaporte, inuna ring asikasuhin ni Cayetano ang kapakanan ng milyun-milyong OFWs sa buong mundo.

Sa panahon ng kanyang panunungkulan sa DFA, sinagot ng ahensya ang exit fines, iba pang penalties at airline tickets ng mga uuwi nating kababayan. Dagdag pa rito, binigyan rin sila ng tulong pinansyal.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

TEODORO LOCSIN JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with