^

Bansa

Mandatory pregnancy test sa mga estudyante binatikos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mandatory pregnancy test  sa mga estudyante binatikos
Ayon kay Elago, discrimination at “downgra­ding” sa karapatan ng mga kababaihan ang ipapatupad na polisiya ng nasabing eskwelahan.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kinondena ni Kaba­taan Rep. Sarah Elago ang kautusan ng isang es­kwelahan na magkaroon ng mandatory pregnancy test sa mga estudyante ng Baguio City-Pines City Colleges.

Ayon kay Elago, discrimination at “downgra­ding” sa karapatan ng mga kababaihan ang ipapatupad na polisiya ng nasabing eskwelahan.

Hindi pa umano bina­banggit dito na ang bayad sa nasabing test ay kargo ng mga estudyante na mas mahal pa kaysa sa binibili sa mga botika.

Base sa liham mula sa doktor ng Pines City Colleges na ang mandatory pregnancy test ay gagawin para sa pagsusulong ng education and social res­ponsibility.

Kaya ang mga baba­eng estudyante mula sa Colleges of Dentistry, Pharmacy at Nursing ay kailangang sumailalim sa pregnancy test at kailangang magba­yad ng P150 na idadagdag sa kanilang school fees.

Iginiit naman ng kongresista na hindi masusukat ng pregnancy test ang kakayahan ng isang estudyante kaya inatasan ni Elago ang nasabing eskwelahan na linawin ang nasabing isyu.

Nagsagawa na rin ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa polisiya ng nasabing paaralan.

Nanindigan naman ang Pines City Colleges na napagkasunduan nila at ng mga estudyante ang nasabing polisiya.

vuukle comment

SARAH ELAGO

STUDENTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with