^

Bansa

‘Bawal inuman sa Christmas party’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Albayalde sa mga pulis

MANILA, Philippines — Muling nagbabala si PNP Chief Gen. Oscar Albayalde sa lahat ng mga pulis na bawal ang inuman sa mga istasyon.

Wala raw problema kung magpa-party sa loob ng mga police stations pero mahigpit na ipinagbabawal ang alak sa mga presinto.

Ayon  kay Albayalde, bilang mga tagapagpatupad ng batas, kailangang sumunod ang mga pulis sa umiiral na pagbabawal sa ‘alcoholic drinks’ sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Hindi aniya maganda para sa imahe ng PNP na makita sila ng mga taong dumudulog sa kanilang himpilan na lasing. 

Mahigpit ding nagbabala si Albayalde na bawal ang solicitation o panghihingi ng pera para sa Christmas party.

Ito aniya ay paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Nilinaw naman ni Albayalde na hindi bawal ang simpleng handaan at salu-salo bilang bahagi ng selebrasyon.

Pero hindi anya dapat makaabala sa operasyon at pagresponde ng mga pulis ang handaan sa mga police station.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with