^

Bansa

P175-B PNR South Line sisimulan sa Q2 ng 2019

Pilipino Star Ngayon
P175-B PNR South Line  sisimulan sa Q2 ng 2019
Bahagi ito ng programang PNR Luzon System program, isa sa malalaking proyektong poponduhan ng China sa ilalim ng kasunduang ‘Official Development Assistance (ODA) program’ na lalagdaan nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping na bibisita sa Maynila ngayon buwan.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Sisimulan na sa susunod na taon ang konstruksiyon ng P175 bilyong Philippine National Railways (PNR) South Line project na may habang 639 kilometro mula Manila hanggang Matnog, Sorsogon.

Bahagi ito ng programang PNR Luzon System program, isa sa malalaking proyektong poponduhan ng China sa ilalim ng kasunduang ‘Official Development Assistance (ODA) program’ na lalagdaan nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping na bibisita sa Maynila ngayon buwan.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, panguna­hing nagpanukala ng proyekto, paiigsiin ng PNR South Line Railway sa limang oras lamang ang biyahe sa pagitan ng Manila at Legaspi City. Magkakaroon ito ng siyam (9) na istasyon -- Manila, Los Baños, Batangas City, Lucena, Gumaca, Naga City, Legazpi City, Sorsogon City, at Matnog sa Sorsogon. Inaasahang mabubuksan at magsisimula ang serbis­yo nito sa 2022.

Ipinanukala ang PNR South Line project ng Bicol Regional Development Council sa pamamatnugot ni Salceda noon pang 2015. Bahagi na ito ng “Build, Build, Build” program ng administrasyong Duterte.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with