^

Bansa

Ikaapat na oil price rollback ikinasa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ikaapat na oil price rollback ikinasa
Alas-6 ng Linggo ng umaga nang pangunahan ng Phoenix Petroleum ang pagbaba sa presyo ng petrolyo sa pagtapyas ng P1.10 sa kada litro ng gasolina at P1 sa kada litro ng diesel.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tuloy ang pagbulusok ng presyo ng petrolyo sa bansa sa pagpapatupad sa ikaapat na pagkakataon ng pagbawas ng mga kumpanya ng langis ng presyo ng kanilang mga produkto mula kahapon ng umaga.

Alas-6 ng Linggo ng umaga nang pangunahan ng Phoenix Petroleum ang pagbaba sa presyo ng petrolyo sa pagtapyas ng P1.10 sa kada litro ng gasolina at P1 sa kada litro ng diesel.

Ngayong Lunes ng umaga, magbababa rin sa presyo ng kanilang produkto ng P1.10 sa gasolina at P1 sa diesel ang Petro Gazz, SeaOil at Eastern Petroleum.  Magbababa rin ang SeaOil ng P.65 sa kada litro ng kanilang kerosene.

Sa Martes, sabay-sabay na magbababa rin ng kanilang presyo alas-6 ng umaga ang Caltex, PTT Philippines at Pilipinas Shell.

Magkakahalintulad na P1 sa kada litro ng gasolina, P.90 sa diesel at P.65 sa kada litro ng kerosene ang tatapyasin ng naturang mga kumpanya.

Ikinatwiran ng mga kumpanya ng langis ang pagbaba sa presyo ng inaangkat nilang produktong petrolyo sa internasyunal na merkado sa pagbaba ng presyo nito sa bansa.  Inaasahan naman na susunod din ang iba pang kumpanya ng langis sa panibagong rollback.

vuukle comment

PETROLEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with