^

Bansa

Suplay ng bigas dadagsa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Suplay ng bigas dadagsa
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na wala nang dapat ipag-alala ang publiko sa suplay ng bigas lalo’t papalapit ang Disyembre dahil sa patakaran ng administrasyon na punuin ang stock ng bigas.
Michael Varcas)

Dahil sa importasyon

MANILA, Philippines — Dahil sa pagpapaluwag ng patakaran sa importasyon, tiniyak kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagdagsa ng suplay ng bigas sa mga darating na araw na magiging dahilan sa pagbaba rin ng presyo nito sa lokal na merkado.

 Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na wala nang dapat ipag-alala ang publiko sa suplay ng bigas lalo’t papalapit ang Disyembre dahil sa patakaran ng administrasyon na punuin ang stock ng bigas.

 Iginiit ni Lopez na hindi na baleng sumobra ang suplay ng bigas sa bansa huwag lang kumulang kaya ipinag-utos ang importasyon.

 Pinawi naman ng kalihim ang pangamba na maaagrabyado ang mga lokal na magsasaka sa pagdagsa ng mga imported na bigas dahil sa bibigyan naman umano sila ng mga insentibo.

 Sinabi niya na itinaas ng National Food Authority (NFA) ang presyo ng binibiling palay buhat sa mga magsasaka mula P17 tungo sa P20.70.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

RAMON LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with