^

Bansa

‘Epal-itiko’ i-post sa social media – Comelec

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
�Epal-itiko� i-post sa social media � Comelec
Ayon kay Jimenez, ito ay iyong mga pulitiko na kakandidato para sa 2019 midterm polls at magpapaskil ng kanilang mga poster at mga larawan sa mga sementeryo, na inaasahang dadagsain ng mga botante, na dadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pinakukunan ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez sa mga taong magtutungo sa mga sementeryo ng larawan at ipaskil sa kanilang social media accounts ang mga poster ng mga ‘epal-itiko’ na magsasamantala sa panahon ng Undas para makapagparamdam sa mga botante. 

Ayon kay Jimenez, ito ay iyong mga pulitiko na kakandidato para sa 2019 midterm polls at magpapaskil ng kanilang mga poster at mga larawan sa mga sementeryo, na inaasahang dadagsain ng mga botante, na dadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sinabi ni Jimenez na siya mismo ang nanguna sa pagpapaskil ng mga poster ng mga ‘epal-litiko’ na nakita niya nang mapadaan sa Manila North Cemetery kahapon.

Kabilang sa mga larawang ipinaskil ni Jimenez sa kanyang Twitter account, ang mga larawan ni reelectionist Manila Mayor Erap Estrada at ng kanyang ka-tandem na vice mayoral candidate na si dating Cong. Amado Bagatsing.

Gayundin ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza, na nakapaskil sa tapat ng mga tindahan ng mga kandila at bulaklak sa naturang pinakamalaking sementeryo sa Maynila.

Sinamahan pa ito ni Jimenez ng caption na, “Dumaan ako sa North Cemetery. May mga “nakikiisa.” #VoterEd #NLE2019.”

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

JAMES JIMENEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with