^

Bansa

NDRRMC red alert na kay ‘Rosita’

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
NDRRMC red alert na kay �Rosita�
Sa latest monitoring ng PAGASA, ganap na alas-11 ng umaga kahapon, si Rosita ay may lakas ng hangin na 150 kph at may pagbugso na 185 kph. Kumikilos ito pakanluran timog kanluran sa bilis na 20 kph.

MANILA, Philippines — Nasa red alert status na ang National Disaster Risk Reduction and  Management Council (NDRRMC) sa posibleng epekto ng bagyong Rosita.

Ayon kay NDRRMC spokesman Edgar Posadas, ito’y upang matiyak ang kahandaan ng mga ahensya upang mabawasan ang pinsala ng kalamidad.

Nakahanda na rin at naka-standby ang mga kinauukulang ahensya gayundin ang search and rescue team ng mga sundalo at pulisya para sa paglilikas ng mga residente sa mga maaapek­tuhang lugar.

Ang bagyong Rosita ay inaasahang tatama sa kalupaan sa Caga­yan Valley ngayong araw.

Sa latest monitoring ng PAGASA, ganap na alas-11 ng umaga kahapon, si Rosita ay may lakas ng hangin na 150 kph at may pagbugso na 185 kph. Kumikilos ito pakanluran timog kanluran sa bilis na 20 kph.

Bunga nito, nasa ila­lim ng signal no. 3 ang Isabela, Quirino at Northern Aurora sa Luzon.

Signal no. 2 sa Caga­yan, Abra, Kalinga, Ilocos Sur, Mountain Province, Ifugao, La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Northern Quezon kasama na ang Polillo Island at Southern Aurora.

Signal no. 1 sa Southern Quezon, Ilocos Norte, Apayao, Batanes at Babuyan group of Islands, Zambales, Rizal, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Laguna, Batangas, Bataan, Cavite at Camarines Norte.

Posible rin ang storm surge sa mga lalawigang katabi ng dagat gaya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Cagayan, Isabela, at Aurora.

Nilinaw din ng PAGASA na hindi magiging sinlakas ng bagyong Ondoy ang Rosita.

Inaasahan namang lalabas ng bansa si Ro­sita bukas.    

vuukle comment

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with