^

Bansa

Doble seguridad sa Undas

Danilo Garcia, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Doble seguridad sa Undas
Nagsimula nang dumagsa ang mga tao sa Araneta bus terminal sa Cubao, Quezon City na maagang magsisiuwi sa mga probinsiya para gunitain ang Araw ng mga Patay.
Michael Varcas

PNP nakaalerto

MANILA, Philippines — Para matiyak ang kaligtasan ng taumbayan, dodoblehin pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang seguridad sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila habang ginugunita ang araw ng Undas.

Ayon kay NCRPO chief Director Guillermo Eleazar, nauna na silang nagtalaga ng 3,500 pulis sa paggunita sa “Ligtas Undas 2018” mula Oktubre 31 hanggang Nob. 2, 2018 at kanila pa itong dodoblehin.

Nagtatag na rin ang pamahalaan ng “multi-agency cooperation and support mechanism” kasama ang Armed Forces of the Philippines, Metro Manila Development Authority, Bureau of Fire Protection, at mga lokal na pamahalaan para sa seguridad kabilang ang pamamahala sa trapiko sa mga rutang patungo sa mga semen­teryo.

Nasa 82 bus terminals, 59 train stations, apat na paliparan, at limang pier din ang kanilang babantayan para makatiyak na hindi malulusutan ng anumang elemento na maaaring manamantala sa okasyon.

Sinabi ni Eleazar na inaasahan nila na sa darating na Martes at Miyerkules dadagsa na ang mga pasahero mula sa Metro Manila sa mga bus terminals na uuwi sa kani-kanilang mga lalawigan.

Pagsapit naman ng mis­mong Undas, nasa 78 sementeryo at 38 mga kolumbaryo ang magiging pokus ng kanilang pagbabantay para mabigyan ng seguridad ang mga taong magtutungo sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Inalerto na rin ni Elea­zar ang mga hepe ng mga istasyon ng pulisya at station commanders sa 16 na lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila upang hindi mapagsamantalahan ng mga kriminal ang publiko lalo na iyong aalis sa kani-kanilang mga bahay.

Bukod sa mga pulis, nasa 9,000 force multipliers rin umano kabilang ang mga barangay tanod, security guards at mga mi­yembro ng mga volunteer groups ang katuwang nila sa pagbabantay.

Nagpaalala ang NCRPO na tiyakin na na­ka­kandado ang kani-kanilang mga tahanan o kaya ay mag-iwan ng mapagkakatiwalaan habang iwasan din ang pag-post sa social media kung saan sila pupunta upang hindi mamonitor ng mga kawatan ang kanilang aktibidad.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with