^

Bansa

Publiko pinag-iingat ng POEA sa trabaho sa cruise ships

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Publiko pinag-iingat ng POEA sa trabaho sa cruise ships
Ayon sa POEA, nagsisimula ang panloloko ng mga tiwaling ito sa pamamagitan ng ipadadalang e-mail at saka magpapa­kilalang recruiter na kuma­katawan umano sa mga ma­lalaking kompanya ng cruise ship lines, gaya ng Carnival Cruise Line, Royal Caribbean Cruise Line, Disney Cruise Line, MSC Cruises, P&O Cruises, at iba pa.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng pamu­nuan ng Philippine Overseas Employment Administration ang publiko laban sa mga manloloko na nag-aalok ng trabaho sa mga cruise ships.

Ayon sa POEA, nagsisimula ang panloloko ng mga tiwaling ito sa pamamagitan ng ipadadalang e-mail at saka magpapa­kilalang recruiter na kuma­katawan umano sa mga ma­lalaking kompanya ng cruise ship lines, gaya ng Carnival Cruise Line, Royal Caribbean Cruise Line, Disney Cruise Line, MSC Cruises, P&O Cruises, at iba pa.

Papangakuan ng mga ito ang biktima na tiyak na makakapag-trabaho sa cruise ship, kapalit ng pera na pamproseso sa aplikasyon.

Gayunman, kapag naipadala na ang pera ay mawawala na ang mga manloloko.

Nagpaalala naman ang POEA na hindi dapat magbigay ng bayad ang mga aplikante sa cruise ship, pati na ang recruitment at placement fees.

Ayon pa sa POEA, hindi rin kumukuha ng administrative fees ang mga lehitimong manning agencies at cruise lines.

Pinaalalahanan pa ng POEA ang mga mamamayan sa mga palatandaan na “scam” ang nag-aalok ng trabaho sa cruise ship.

Ayon sa POEA, hindi madali ang pagkuha ng trabaho sa cruise ships at makabubuting magtanong muna sa kanilang tanggapan kung may nag-aalok ng ganitong trabaho sa kanila.

vuukle comment

CRUISE SHIPS JOBS

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with