^

Bansa

‘Tokhang’ hinirang na Salita ng Taon 2018

Pilipino Star Ngayon
�Tokhang� hinirang  na Salita ng Taon 2018
Ang salitang ito ay halaw sa kampanya ng Philippine National Police, kung saan kinakatok ang mga bahay ng mga hinihinalang sangkot sa droga para sila ay pasukuin.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hinirang na Salita ng Taon para sa 2018 ang “tokhang” sa ginanap na “Sawikaan 2018: Pambansang Kumperensiya sa Salita ng Taon” sa University of the Philippines Diliman (UPD), Quezon City nitong Biyernes.

Ang salitang ito ay halaw sa kampanya ng Philippine National Police, kung saan kinakatok ang mga bahay ng mga hinihinalang sangkot sa droga para sila ay pasukuin.

Binigyan naman ng ikatlong gantimpala ang “Dengvaxia” at ikalawang gantimpala naman ang “fake news.”

Nagiging nominado para sa Salita ng Taon ang isang salita kapag ito ay likhang salita, salitang ginagamitan ng bagong kahulugan, salitang kamakailan lang hinalaw mula sa dayuhang wika, o salitang nabuhay muli matapos mawala sa moda.

Taong 2004 nang magsimula ang Sawikaan, na layong subaybayan ang mga pagbabago at pag-unlad ng wikang Filipino sa mga panlipunan at kultural na diskurso. 

Sa mga nagdaang conference, napili bilang Salita ng Taon ang mga salitang “canvass” (2004), “huweteng” (2005), “lobat” (2006), “miskol” (2007), “jejemon” (2010), “wangwang” (2012), “selfie” (2014) at “fotobam” (2016).

vuukle comment

TOKHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with