^

Bansa

Doc Willie, No. 1 sa social media site

Pilipino Star Ngayon
Doc Willie, No. 1  sa social media site
Ito’y matapos ang kanyang pagpa-file ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-senador para sa nalalapit na Midterm Elections sa Mayo 2019.
Edd Gumban

Sa panukalang ‘GOAL’

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ni Doc Willie Ong ang pagiging number one niya sa dalawang online survey na lumabas sa isang social media site kung saan mahigit sa 100,000 votes ang kanyang nakuha.

Ito’y matapos ang kanyang pagpa-file ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-senador para sa nalalapit na Midterm Elections sa Mayo 2019.

Ayon kay Doc Willie, ito’y bunsod umano ng matagal na niyang adbokasiya na maisakatuparan ang kanyang suhestiyon sa mga nagdaang administrasyon para sa kapakanan ng nakararaming Pilipino na nangangailangan ng tulong-medikal.

Ani ng Doktor ng Bayan, sa kanyang panukalang programa na tinawag niyang GOAL, ay malaki ang maitutulong nito sa mga kababayang nangangailangan ng atensyon at tulong-medikal.

Sa ilalim ng programa, nakapaloob sa ‘G’ ang layuning makapagbigay ng libreng gamot lalo na ang gamot sa kanser; ang ‘O’ ay upang gawing libre ng gobyerno ang operasyon, tulad ng libu-libong nanga-ngailangang ma-operahan sa sakit na goiter, myoma, luslos at bukol; sa ‘A’, layunin nito na mas mapalawak ang pagbibigay ng abiso o parang information dessimination sa mamamayan kung paano makakaiwas sa mga sakit; at ang ‘L’, maliban sa libreng gamot at operasyon, ililibre na rin pati ang laboratory tests na kailangan ng pasyente.

Samantala sa isang 7-minute video ni Doc Willie sa social media site, ipinaliwanag niya rito kung paano ang GOAL ay kakayaning tustusan ng budget ng pamahalaan upang magkaroon ng mas epektibo na serbisyo-publiko para sa mga nangangailangan ng medical assistance.

vuukle comment

WILLIE ONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with