^

Bansa

Warrant vs Trillanes ibinasura

Doris Franche, Lordeth Bonilla, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Warrant vs Trillanes ibinasura
Ibig sabihin, hindi inisyuhan ng warrant of arrest at HDO at hindi pwedeng arestuhin si Trillanes.
Geremy Pintolo

‘Di pa tapos ang laban - DOJ

MANILA, Philippines — Ibinasura kahapon ng Makati City Regional Trial Court Branch 148 ang motion ng Department of Justice na humihiling na magpalabas ng warrant of arrest at hold departure order (HDO) laban kay Senador Antonio Trillanes IV hinggil sa kasong kudeta na kinaharap nito matapos itong masangkot sa Oakwood mutiny noong 2003.

Ibig sabihin, hindi inisyuhan ng warrant of arrest at HDO  at hindi pwedeng arestuhin si Trillanes.

Base ito sa inilabas na resolution ni Makati City RTC Branch 148 Judge Andres Soriano bandang alas-3:30 kahapon ng hapon.

Kinumpirma ito ni DOJ Senior Deputy State Pro­secutor Richard Anthony Fadullon.

Nakasaad din sa resolution ni Judge Soriano na pinagtibay nito ang Presidential Proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo hinggil sa pagbawi sa amnestiya ni Trillanes sa kaso nitong kudeta matapos itong masangkot sa Oakwood mutiny noong 2003.

Kaugnay nito, nagpa­salamat naman si Trillanes sa Panginoon na pinagbigyan umano ang dasal ng lahat ng nagdarasal para manaig ang tama.

“Una sa lahat tayo po ay nagpapasalamat sa Panginoon na pinagbigyan niya ang kahilingan ng lahat ng nananalangin na manaig ang tama,” sabi ni Trillanes.

Partikular din nitong pinasalamatan si Judge Soriano na nanindigan umano at hindi nagpa-pressure sa administrasyong Duterte.

Sinabi rin ni Trillanes na na nabuhayan siya ng loob na mayroon pang pag-asa sa Pilipinas dahil sa ipinalabas na desisyon ni Soriano.

Naniniwala rin si Trilla­nes na hindi na siya maa­ring maaresto base sa desisyon ng RTC Branch 148.

Tiniyak naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi pa tapos ang laban ng DOJ laban kay Trillanes dahil ang tunay na laban umano ay nasa Supreme Court (SC) .  

Ayon pa kay Guevarra, kakausapin niya si Prosecutor General Richard Fadullon at maging ang Department of National Defense  para pag usapan ang mga susunod na hakbang na gagawin.   

 Hindi pa rin mawawalan ng pag-asa si Guevarra na nabubuksan muli ang kaso ni Trillanes at Muling babalik sa Branch 148 at 150 para ipagpatuloy ang pagdinig.   

Aalamin rin ng DOJ kung nagkaroon ng final judgment sa kasong coup d’etat at rebelyon laban kay Trillanes.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with