^

Bansa

Serbisyo tuloy’ – Bong Go

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Serbisyo tuloy� � Bong Go

Kahit Special Assistant to the People

MANILA, Philippines — Siniguro ni dating Special Assistant to the President Bong Go na kahit wala na siya sa gobyerno ay tuloy pa din ang pagtulong niya sa taumbayan na kanyang nasimulan at kahit saang sulok ng bansa ay kanyang papasukin upang maghatid ng tulong sa mga nasunugan at nangangailangan.

Ito ang tiniyak kahapon ng tinaguriang Special Assistant to the People Christopher Bong Go matapos siyang magbitiw sa tungkulin makaraang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) upang tumakbong senador sa 2019 mid-term elections.

Sinabi ni Go na tuloy ang pagtulong niya sa mga kababayang nanga­ngailangan kahit pansamantalang wala siya sa gobyerno dahil sa pagkandidato sa pagka-senador.

Sa katunayan ay dinalaw niya at dinalhan ng ayuda ang mga nasunugan sa barangay 105 Happyland, Tondo, Manila.

Wika pa ni Go, bilang isang private citizen ay tutulong siya sa pag-follow up sa mga tulong ng gobyerno mula sa DSWD at iba pang ahensyang may kinalaman sa serbisyo-publiko.

Siniguro naman ni SAP Go na hindi niya gagamitin ang resources ng gobyerno at sa halip ay tutulong sya bilang pribadong mamamayan sa tulong ng kanyang mga kaibigan at supporters sa kanyang adbokasiya.

vuukle comment

CERTIFICATE OF CANDIDACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with