^

Bansa

3,300 pulis ikakalat sa Undas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
3,300 pulis ikakalat sa Undas
Sinabi ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, bukod sa 3,300 police personnel ay magkakaroon pa rin ng mga naka-standby na pu­wersa sa mga tanggapan ng pulisya.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Para mapanatili ang kaayusan at kapa­yapaan habang ginugunita ang araw ng Undas, magtatalaga ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng tinatayang 3,300 pulis sa buong Kamaynilaan.

Sinabi ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, bukod sa 3,300 police personnel ay magkakaroon pa rin ng mga naka-standby na pu­wersa sa mga tanggapan ng pulisya.

Kaya base umano sa talaan ng NCRPO ay aabot sa 5,000 ang magiging force multiplier na tutulong sa kanila, iba’t ibang organisasyon, gayundin ang mga barangay at civil volunteer organizations.

Sinabi pa ni Eleazar na mayroong 80 semen­teryo at 30 columbaries sa buong Metro Manila at ang pinakamalaki rito ay ang Manila North Ce­metery.

Kaya ngayong dara­ting na Linggo umano ay magsisimula ang pakiki­pag-ugnayan nila sa mga local government units, sa pamunuan ng ibat ibang sementeryo ma­ging ito man ay pampubliko o pri­bado, gayundin sa mga lider ng ibat ibang organi­sasyon.

Sa kabila nito, siniguro naman ni Eleazar na ang kanilang anti-criminality operations ay magpapatuloy sa kabila ng naka-focus sila sa mga semen­teryo sa paggunita ng araw ng mga patay.

Bagamat ang konsentrasyon nila ay sa mga sementeryo, kolumbaryo ay babantayin din ng NCRPO ang mga bus terminals gayundin ang seaports, airports, LRT at MRT stations.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with