^

Bansa

Bong Go nanindigan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Bong Go nanindigan
Sinamahan ni senatorial candidate at dating Presidential Assistant Secretary Bong Go si dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa pagsasampa nito ng certificate of candidacy sa Commission on Elections para sa pagtakbo nitong Kongresista ng Taguig para sa halalan sa susunod na taon.
(Kuha ni Edd Gumban)

Sa mas malawak na serbisyo sa publiko

MANILA, Philippines — Nanindigan si senatorial aspirant at dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go na isa lamang siyang ordinaryong taong kakandidato sa pagkasenador sa 2019 na gustong mas palawakin pa ang pagsisilbi sa bayan.

Sinabi ni Go na suportado niya ang mga agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte pero tututukan niya ang kanyang adbokasiya na mapabuti ang medical services  lalo na sa mga mahihirap sa pamamagitan ng  nasimulan na nila ni Pangulong Duterte na Malasakit Center na nagsisilbing one stop shop  na tutulong sa mga walang perang pampaospital.

Hangad niyang maisabatas ito upang magtuluy-tuloy na ang Malasakit Center hanggang sa mga susunod na henerasyon kahit wala na sila ng Pangulo.

Samantala, kinumpirma ni Go na malaking factor sa kanyang naging desisyon ang enlightenment mula sa Diyos at ni Pangulong Duterte dahil batid nitong mas makakatulong siya kapag nasa Senado na siya.

Kinumpirma rin ni Go na mahigpit na bilin sa kanya ng Pangulo na panatilihin ang pagiging loyal sa bansa at loyal sa taumbayan.

Ayon kay Go, handa niyang harapin ang mga kritiko ng administrasyon dahil batid niyang marami sa mga botante ang natuto na at matatalino.

Samantala, tiniyak ni Go na sanay siya sa kampanya na maliit lamang ang budget dahil aniya hindi naman sila kasing-yaman ng ibang kandidato.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with