^

Bansa

Tangkang pagpatay sa solon silat

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Tangkang pagpatay sa solon silat
Sa report ni Police Regional Office (PRO) V Director P/Chief Supt. Arnel Escobal, kinilala ang nasakoteng suspek na si Ray John Musa, miyembro ng Capitol Complex Security Unit.
File

MANILA, Philippines — Nasilat ang planong pagpatay kay Camarines Sur Rep. at House Majority Leader Rolando Andaya Jr. matapos maaresto ang  umaaligid na gunman habang nagsusumite ang opisyal ng Certificate of Candidacy para sa pagtakbong gobernador ng kanilang lalawigan nitong Martes ng hapon.

Sa report ni Police Regional Office (PRO) V Director P/Chief Supt. Arnel Escobal, kinilala ang nasakoteng suspek na si Ray John Musa, miyembro ng Capitol Complex Security Unit.

Ayon kay Escobal, ang suspek ay inaresto at kinasuhan ng attempted murder kaugnay ng pag­labag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa bigong pagtatangka na itumba si Andaya.

Bandang alas-3:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa harapan ng Civil Service Commission sa Brgy. Cadlan, Pili, Camarines Sur. Narekober mula sa suspek ang isang cal 38 revolver na kargado ng limang bala.

Ipinasa na sa kustodya ng pulisya ang nasakoteng suspek na ngayon ay masusi pang isinasailalim sa tactical interrogation upang mabatid kung sino ang nag-utos na patayin ang kongresista na mabuti na lamang at sumablay ang plano.

Nabatid na nasa harap ng opisina ng CSC si Andaya nang makita ang suspek na malapitang umaaligid sa kongresista. Nagtangka umano itong bumunot ng baril mula sa kanyang beywang pero nahulog sa ilalim ng kanyang pantalon.

Nakita ang insidente ni (retired) Chief Inspector Samuel Alforte na closed-in bodyguard ni Andaya at ni Mayor Roberto Matamorosa ng bayan ng Lupi kaya agad nilapitan ang suspek kung saan nakuha mula rito ang isang kalibre 38 baril na may limang bala.

vuukle comment

ROLANDO ANDAYA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with