^

Bansa

Reelectionist senators, iba pa naghain ng COC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Reelectionist senators, iba pa naghain ng COC
Nagtungo din kahapon sa Comelec si reelectionist Senator Cynthia Villar para magsampa ng certificate of candidacy. Kasama niya ang anak na si Camille Villar na tatakbong kongresista ng Las Piñas.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sa ikatlong araw ng  paghahain ng kandidatura para sa May 13, 2019 National at Local Elections (NLE), ilang reelectionist at mga independent candidates ang nagtungo sa punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila upang maghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC).

Kabilang sa nagsampa ng COC ang reelectionist na sina Senador Cynthia Villar at Grace Poe Llamanzares na sinamahan ng kani-kanilang pamilya.

Si Magdalo Rep. Gary Alejano, naman ay sinamahan ng kanyang maybahay at ng kapwa Magdalo member na si Senator Antonio Trillanes IV sa paghahain ng COC para sa senatorial race.

May ilang mga independent candidate for senator ang naghain din ng COC tulad nina Reynante G. Galero na nagsabing gusto raw niya ng publicity at Charlie B. Talledo, na nagpakilalang si ‘Jesus Christ’ at nagsabing hinikayat siya mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte upang tumakbo.

Muli namang susubok para bumalik sa senado si dating Senador Lito Lapid sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC). Kasama niyang naghain ng COC ang kanyang anak na si Mark Lapid.

Si Senator Joseph Victor “JV” Ejercito ay nagsumite na rin ng COC para sa kanyang reelection bid sa ilalim ng NPC at isinaad sa kanyang COC, na gagamitin niya ang nickname na “Estrada JV.”

Sa kabuuan, hanggang 3:00 ng hapon ay umabot na sa 21 ang mga nakapaghain ng COC sa pagka-senador at inaasahang madaragdagan pa ito bago tuluyang magsara ang tanggapan ng Comelec ganap na 5:00 ng hapon.

Sa party-list representatives naman ay umabot na sa 12 Party-List Groups ang nakapagsumite ng kanilang CONA hanggang 12:00 ng tanghali lamang.

Nakapagsumite naman si dating Communications Assistant Secretary Mocha Uson ng kanyang kandidatura para maging nominado ng AA Kasosyo Partylist sa House of Representatives. (Rudy Andal)

vuukle comment

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with