^

Bansa

‘Wag kabahan kay Espenido

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Wag kabahan kay Espenido
Ayon kay Albayalde, hindi dapat matakot ang mga lokal na opisyal sa pagtatalaga kay Espenido sa Catanduanes kung wala silang masamang ginagawa o kung hindi naman sila sangkot sa iligal na droga.
Edd Gumban

Albayalde sa Catanduanes local execs

MANILA, Philippines — Pinawi ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang pangamba ng mga lokal na opisyal ng Catanduanes sa pagkakatalaga sa kanilang lalawigan ni Chief Inspector Jovie Espenido.

Ayon kay Albayalde, hindi dapat matakot ang mga lokal na opisyal sa pagtatalaga kay Espenido sa Catanduanes kung wala silang masamang ginagawa o kung hindi naman sila sangkot sa iligal na droga.

Paliwanag ng PNP Chief, na matagal nang plano ang paglilipat doon ni Espenido at ito rin ang resulta ng kanilang deliberasyon sa oversight committee at mas bagay din umano doon ang opis­yal dahil mas maraming problema roon.

Marami din umanong nagre-request kay Espe­nido lalo na ang mga taga Visayas at isa rin ang Ca­tanduanes sa may problema lalo na pagda­ting sa droga.

Wala naman umanong specific mission si Espenido sa ngayon dahil nasa bakasyon pa ito subalit ang pagtatalaga umano rito ay para na rin sa kanyang promosyon at gagawin na siyang Supe­rintendent o Lt. Colonel na.

Hindi naman masabi ni Albayalde kung mayroong mga politiko o malalaking personalidad sa Catanduanes na nasa “narco list”.

Matatandaan na si Espenido ay dating nakatalaga bilang chief of police sa Albuera, Leyte nang mapatay ang hinihinalang suspected drug lord na si Mayor Rolando Espinosa.

Matapos nito ay inilipat siya sa Ozamiz City kung saan napatay din ang suspected drug lord na si Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with