^

PSN Showbiz

Female personality tinatakang ‘daga’ sa pangunguha ng sachet at pagkain sa mga hotel at party

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May kuwento pala kung bakit tinatawag na daga ng kanyang mga kasamahan ang isang kontrobersiyal na female personality. Makasaysa­yan pala ang pinag-ugatan ng istorya.

Sa ilang beses na pang-iimbita ng iba-ibang kompanya sa mga katulad ng female personality na ito na tagapagbalita ay binabantayan ng mga kasamahan niya ang bawat galaw ng babaeng personalidad.

Kuwento ng aming source na tawa nang tawa, “Kapag kumakain na sila sa hotel ng breakfast dahil libre ‘yun sa mga naka-check-in, kinukuha ni ____(pangalan ng seksing female personality) ang mga sachet ng sugar, milk, coffee at chocolate.

“At pinagkukukuha rin niya ang mga tinapay, kumukuha rin siya ng sliced sandwiches, isinisiksik niya sa bag niya. Palagi siyang ganu’n, para siyang daga na kuha nang kuha ng iba-ibang pagkain para kainin sa lungga niya.

“Lihim siyang pinagtatawanan ng mga kasama niya, nakakahiya kasi ang mga pinaggagagawa niya, hakutin ba ang mga sachet? Patulan ba pati ang mga tinapay?” humahagalpak sa katatawang kuwento ng aming impormante.

Inimbita sila ng isang sikat na company na kumain sa isang bonggang restaurant sa ibang bansa. Masasarap ang mga pagkain, pero may problema ang seksing female personality, ano ang maduduwit niya sa mesa dahil walang mga sachet?

“Sinubaybayan ng mga katropa niya kung ano ang kanyang gagawin. Walang mga sachet, lugi siya, ano ang gegetlakin niya? Naku, nag-apiran ang mga kasamahan niya!

“Ang kinuha niya naman, e, ang mga maliliit na bote na lalagyan ng salt and pepper! Mismo! Ang hindi lang niya kinuha, e, ang mga bote ng sauce dahil baka tumulo ang laman sa bag niya!

“Nakakaloka siya! Pumoporma siyang yayamanin, pero nang-uumit naman siya ng mga sachet! Iniipon pala niya ‘yun para maiuwi! Sangdamakmak ang naipon niya sa ilang araw nila sa ibang bansa!

“Nu’ng isang gabi lang, e, siya ang pinagpistahan sa isang party. Sabi kasi ng isang nandu’n, ‘Naku, ano ang nangyari kay daga? Bakit nasa beast mode siya ngayon? Bakit niya inaaway ang mga katrabaho niya? Kinasuhan pa nga niya?’

“Nakakaloka! Siya pala ang tinatawag na daga ng mga katrabaho niya! Para siyang daga na nag-iipon ng food para kainin sa kanyang lungga!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kahit malabong manalo Mocha nagpipilit  kumandidato

Kahit pa inilaglag na ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mocha Uson ay panay-panay pa rin ang pagpe-press release ng dating singer-dancer na bali na nga ang pakpak ay maangas pa rin.

Tatakbo raw siya bilang independent sa darating na halalan, ia-announce daw niya ang posisyong aasintahin niya sa mga darating na panahon, basta wait lang daw ang ating mga kababayan.

Pero ngayon pa lang ay sina­sabi na ni Mocha na gusto niyang maging boses ng mga or­di­naryong tao, lalo na ng mga dakila nating OFW, dahil naranasan din daw niyang maging ordinaryong OFW ilang taon na ang nakararaan.

Anong punto kaya ang gustong patunayan ni Mocha Uson? Nagtrabaho siya nu’n sa Qatar bilang singer, hindi naman siya namasukang kasambahay, nasaan ang kaordinaryuhan sa pinasok niyang tra­baho nu’n?

Kung sana’y nakaranas siyang hindi pakainin ng kanyang amo, kung sana’y pinagtangkaan siyang halayin ng kanyang pinagtrabahuhan, pero kabaligtaran nu’n ang kanyang buhay sa Qatar.

Kumakanta siya, nakatira sa isang maayos na lugar, ano ang ordinaryo sa kanyang pinagdaanan bilang singer sa bansang ‘yun?

Sabi nga ng mga kaibigan namin, “Piso, manalo ng upos, hindi mananalo ‘yang si Mocha sa kahit anong position na takbuhan niya! May maipagmamalaki ba siyang accomplishments nu’ng magtrabaho siya sa MTRCB at PCOO? Wala!

“Puro kahihiyan lang ang inabot sa kanya ng gob­yerno, puro fake news, inilipat pa nga niya ang Mayon Volcano sa Naga!” madiing sabi ng aming kausap.

Komento naman ng isa pa, “Mocha… mukha mo!”

vuukle comment

MOCHA USON

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with