^

Bansa

Petrolyo may bawas presyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Petrolyo may bawas presyo
Sinundan naman ito ng Unioil Philippines na nagbaba rin ng parehong presyo sa naturang mga produkto epektibo alas-2 kahapon ng hapon.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Makaraan ang sunud-sunod na pagtataas sa presyo, nag-rolbalk ang ilang kumpanya ng langis sa kanilang produktong petrolyo, kahapon ng umaga.

Nanguna ang Phoenix Petroleum na nagtapyas ng P.80 sentimos kada litro ng gasoline at P.60 sentimos kada litro sa diesel. Epektibo ang kanilang rolbak alas-12:01 kahapon ng mada­ling araw.

Sinundan naman ito ng Unioil Philippines na nagbaba rin ng parehong presyo sa naturang mga produkto epektibo alas-2 kahapon ng hapon.

Ang independent oil player naman na Petro Gazz ay magpapatupad ng rolbak ng kaparehong presyo dakong alas-6 ngayong Linggo ng umaga.

Samantala, mas ma­laki ng konti ang planong itapyas ng isa sa Big 3 player na Pilipinas Shell. 

Sa anunsyo ng kumpanya, P.85 sentimos sa gasolina, P.65 sentimos sa diesel at P.20 sentimos sa kerosene kada litro ang kanilang ibabawas.

Epektibo naman ang rolbak ng Shell dakong alas-6 ng umaga sa dara­ting na Lunes.

Wala pa namang anun­­syo ang ibang kumpanya ng langis na inaasahang susunod rin sa naturang pagtatapyas ng presyo.

Nabatid na siyam na linggong magkakasunod nang nagkakaroon ng dagdag presyo sa petrolyo sa bansa.  

Mula Agosto 14 hanggang Oktubre 9, nasa P5.85 kada litro sa diesel, ?P5.05 sa gasolina, at P4.65 sa kerosene na ang itinataas ng mga kumpanya ng langis.

vuukle comment

FUEL

GASOLINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with