^

Bansa

Duty Free sinita ng House sa pinasok na kasunduan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duty Free sinita ng House  sa pinasok na kasunduan
Ayon kina 1Pacman Rep. Mikee Romero, Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at ABS Rep. Eugene De Vera, maaring maharap sa paglabag sa Retail Trade Law and Republic Act 9184 o ang Procurement Act ang pamunuan ng Duty Free sa pakikipag-transaksyon sa mga dayuhan.
File

MANILA, Philippines — Binatikos ng ilang mga mambabatas ang pamunuan ng Duty Free Philippines Corp. sa pagpasok sa concession agreements sa mga dayuhang kumpanya partikular dito ang Hong Kong-based suppliers upang mag-suplay ng bilyong pisong halaga ng merchandise.

Ayon kina 1Pacman Rep. Mikee Romero, Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at ABS Rep. Eugene De Vera, maaring maharap sa paglabag sa Retail Trade Law and Republic Act 9184 o ang Procurement Act ang pamunuan ng Duty Free sa pakikipag-transaksyon sa mga dayuhan.

Sa pagdinig House Committee on Good Government, sinita ni Romero ang mga opisyal ng state-run firm sa pakikipag-transaksyon sa isang Jose Ma.Esteban III na kumakatawan sa isang dayuhang kumpanya.

Paliwanag nito, mayroong conflict of interest sa ginagawa ni Esteban dahil dati itong general managor ng Duty Free na itinalaga noon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Sa tanong kung mayroong nilabag ang Duty Free sa ilalim ng Retail Trade Act, sinabi ng kanilang abogado na si Atty. Carlo Castilo na ito ay posible.

Sinabi pa ni Batocabe na inihayag ng mga opisyal ng state-run firm na walang naganap na bidding sa pag-award ng supply agreement.

vuukle comment

DUTY FREE PHILIPPINES CORP.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with