Calida babawiin ang kaso vs Trillanes
MANILA, Philippines — Posibleng hindi na kasuhan ng libel ni Solicitor General Jose Calida si Sen. Antonio Trillanes IV matapos pagbintangan ng huli na ninakaw ng una ang kanyang amnesty records.
“He said he won’t apologize. Maybe I will just forgive him,” ani Calida.
Sinabi ni Calida na mas mabuting patawarin na lamang ang mga nagkakasala. Aniya, marunong din naman umano siyang magpatawad.
Nilinaw din ni Calida na hindi lamang si Trillanes ang sakop ng revocation ng amnesty na ibinigay sa mga Magdalo soldiers para sa 2003 Oakwood mutiny at 2007 Manila Peninsula siege.
Nililitis lamang si Trillanes dahil sa issuance ng Proclamation No. 572, na muling binuksan dahil sa kasong rebellion at coup d’ etat.
- Latest