^

Bansa

Draft Constitution isinalang na sa plenaryo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Draft Constitution isinalang na sa plenaryo
Sa ilalim ng draft cons­titution, walang itinakdang term limit para sa mga kongresista subalit ayon kay Speaker Gloria Arroyo, collegial decision ito ng dalawang kapulungan ng kongreso.
File

MANILA, Philippines — Matapos aprubahan ng House Committee on Constitutional Amendments ang draft constitution noong nakaraang linggo, isinalang na agad sa plenaryo ang resolution of Both Houses Number 15 para sa sponsorship.

Sa ilalim ng draft cons­titution, walang itinakdang term limit para sa mga kongresista subalit ayon kay Speaker Gloria Arroyo, collegial decision ito ng dalawang kapulungan ng kongreso.

Nakasaad din sa draft na mananatili ang presidential form ng gobyerno subalit ang kongreso na ang magdedesisyon sa pagbuo ng federal states.

Mananatili rin naman ang institusyon ng Sena­do at ang mga Senador ay ihahalal nang nationwide tulad pa rin ng sa partylist.

Habang ang Kamara naman ay bubuuin ng hindi lalagpas sa 300 kongresista at ang mga mambabatas ay magiging apat na taon na ang bawat termino subalit maaaring magpaulit ulit ang pagtakbo dahil walang term limit.

Nakasaad din dito na apat na taon din ang pa­nu­­nungkulan ng Pangu­lo su­balit may isang re­elek­syon.

Nagtakda rin ng Educational requirement na dapat college graduate para sa mga congressmen, Sena­dor, Bise Presidente at Presidente.

Bubuwagin naman na ang multi party system dahil ibabalik na ang 2 party system sa bansa.

vuukle comment

HOUSE COMMITTEE ON CONSTITUTIONAL AMENDMENTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with