^

Bansa

P34M refund isosoli sa consumers – PECO

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P34M refund isosoli sa consumers � PECO
Ito ang tiniyak ng Panay Electric Company (PECO) bilang pagsunod sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na isa­uli sa kanilang customers ang P631.33 milyon.
File Photo

MANILA, Philippines — Siniguro ng isang electric company na ibabalik ang P34 milyong refund sa mga consumers.

Ito ang tiniyak ng Panay Electric Company (PECO) bilang pagsunod sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na isa­uli sa kanilang customers ang P631.33 milyon.

Ayon sa PECO na kanilang binabaan ang  generation rate batay sa kautusan ng ERC at ang halaga na kanilang ibabalik ay nasa P34 milyon na lamang na matatapos sa 2nd quarter ng 2019.

Idinagdag pa ng PECO na alam ng ERC ang isyu na ito at hindi sila napaparusahan sa anumang iregularidad.

Pinatunayan umano ito ng isang kasulatan mula sa ERC sa pamamagitan ng Distribution Management Committee (DMC) na inisyu noong 2016 ang 100% compliance sa Philippine Distribution Code. Ang PECO ay isa sa limang power utilities na nabigyan ng nasabing parangal. 

“If PECO was sanctioned by the ERC, they would not have given that merit,” wika ni Engr. Randy Pastolero, AVP-Operations & Compliance Head ng PECO. 

Idinagdag pa ni Pastolero na tinawagan ng PECO ang ERC at siniguro sa kanila na wala naman talagang isyu tungkol sa refund.

vuukle comment

PANAY ELECTRIC COMPANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with