Roque ‘di mananalong senador - Duterte
MANILA, Philippines — Diretsahang sinabi ni Pangulong Duterte sa harap ng mga miyembro ng Philippine Military Academy Alumni na hindi mananalong senador si Presidential Spokesman Harry Roque.
Ayon sa Pangulo, sinabihan niya si Sec. Roque na standby na lamang siya at bibigyan ng ibang puwesto pero huwag na siyang kumandidatong senador dahil malabo siyang manalo.
“Si Roque, gusto mag-senador. Sabi ko, “Tama ka na. T*** i** diyan. Standby ka. Bigyan kita ibang trabaho. Hindi ka manalo diyan.” “Bakit?” “Ah ‘yung mga sundalo ayaw sa iyo,” sabi ni Pangulong Duterte.
Samantala, pinag-iisipan na ni Roque ang pagbibitiw sa tungkulin dahil sa kanyang paniniwala na hindi na siya akma sa kanyang posisyon matapos aminin ni Pangulong Duterte na nagtungo siya sa ospital noong Miyerkules taliwas sa kanyang ginawang pagtanggi.
“I was taken aback by the diagnostic examination. I did not lie. I simply did not know. I concede I did not know...I am inclined to believe that I am not in the position to continue in this kind of function,” pahayag ni Roque sa media briefing sa Malacañang.
“I will think twice about my options. I need a weekend,” ani Roque.
Ayon sa source, ang inalok na puwesto kay Roque ay ang paghawak sa Office of the Press Secretary (OPS) na ipapalit sa bubuwaging Presidential Communications Operations Office (PCOO) bukod sa pagiging Presidential spokesman.
“President Duterte has offered me another position “that does not exist yet,” dagdag pa ng presidential spokesman.
“If I’m still here next week, I might tell him to issue a medical bulletin and have your doctor here,” dagdag pa ni Roque.
- Latest