^

Bansa

Joint exploration ng Phl, China solusyon sa pagtaas ng presyo ng krudo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Joint exploration ng Phl, China  solusyon sa pagtaas ng presyo ng krudo
Sinasalinan ng lalaki ng gasolina ang mga softdrinks bottle na ibebenta ng tingi sa mga motorista. Kahapon ay lumobo pa ang presyo ng produktong petrolyo.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ang joint energy exploration sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea ang nakikitang solusyon ng Palasyo sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa international market.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isinusulong ng gobyerno na malagdaan ang kasunduang ito sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa susunod na buwan sa bansa.

“We’re doing everything we can to make sure that when President Xi comes here, we can sign a joint exploration to start the search for natural gas and oil so that we can have energy security,” giit ni Roque.

Ang target nito ay ang Service Contract 72, na sakop ang Recto Bank o Reed Bank, na potential area ng joint exploration ng China at Pilipinas.

“So ito nagiging malinaw, kinakailangan nating isulong ang joint exploration, isantabi ang hidwaan,” sabi pa ni Roque.

Nakatakdang dumalaw sa bansa si President Xi sa November at inaasahang malalagdaan ang joint exploration agreement sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea.

“Ito ang pinakaimportanteng agreement po dahil nga sa pagtaas ng presyo ng langis na nagdadahilan para tumaas ang lahat, joint exploration po sana dahil wala na po tayong ibang lugar sa Pilipinas na posibleng mayroong langis at natural gas but SC 72,” sabi pa ng presidential spokesman.

“Naiintindihan po ng taumbayan wala tayong magagawa habang wala tayong gasolina sa ating bayan. Kaya nga po isa sa pinag-aaralan at talagang gustong isulong ng ating administrasyon yung joint exploration na ng West Philippine Sea,” giit pa ni Roque.

vuukle comment

GASOLINE

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with