^

Bansa

Tiwala ng Pinoy kay Leni lumakas

Pilipino Star Ngayon
Tiwala ng Pinoy  kay Leni lumakas
Sa 3rd Quarter Survey na inilabas ng Pulse Asia, lumakas ang suporta ng mga pinakamahihirap na Pilipino kay Robredo, mula 50 percent noong June 2018, umarangkada ito ng 16 percent, at nasa 66 percent na nitong September 2018.
Michael Varcas

Pulse Asia survey

MANILA, Philippines — Lumalakas ang tiwala ng mga Pilipino para kay Vice Pres. Leni Robredo sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey,

Sa 3rd Quarter Survey na inilabas ng Pulse Asia, lumakas ang suporta ng mga pinakamahihirap na Pilipino kay Robredo, mula 50 percent noong June 2018, umarangkada ito ng 16 percent, at nasa 66 percent na nitong September 2018.

Umangat din ang tiwala ng mga taga-Class ABC sa Pangalawang Pangulo ng 9 percent, at nasa 41% na nitong Third Quarter. Kasama pa nito ang bilib nila sa performance ni Robredo, na nagtala ng 12 percent na pagtaas, patungong 53% sa September 2018.

Malaki ang paglundag na ito ng ratings ni Robredo, na nananatili pa rin sa 56% trust ratings overall, kum­para sa rating ni Pangulong Duterte.

Bumulusok pababa sa 72% ang overall trust ra­tings ng Pangulo, kabawasan ng 15 percent. Mula rito, bumaba ang tiwala sa kaniya ng ng iba’t ibang social classes, lalo na sa Class D, kung saan siya nagtala ng pagbaba ng 16 percent, patungong 71 percent. Nabawasan din ang tiwala ng mga pinakamahihirap na Pinoy kay Duterte ng 12 percent.

Lumabas ang pag-angat ni Robredo sa survey sa parehong linggo na ibinaba ng Presidential Electoral Tribunal ang desisyon nito ukol sa isyu ng shading threshold, para sa recount kaugnay ng electoral protest na isinampa ni Bongbong Marcos laban sa Pangalawang Pangulo. 

Pinaboran ng nasabing pasya ang kampo ni Robredo, nang kilalanin ng PET na 25% threshold ang ginamit ng Comelec noong nakaraang eleksyon.

Ayon kay dating Comelec commissioner Gregorio Larrazabal, pinagtitibay lamang ng desisyong ito ng PET na 25 percent ang threshold na ginamit noong 2016 elections. 

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with