^

Bansa

Economic managers ni Duterte pinasisibak!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Economic managers ni Duterte pinasisibak!
Ayon kay Zarate, dapat nang palitan ng Pangulo sina Budget Secretary Benjamin Diokno, Finance Secretary Carlos Dominguez at NEDA Director General Ernesto Pernia.
File

MANILA, Philippines — Inirekomenda ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kay Pangulong Duterte na sibakin ang kanyang mga economic managers.

Ayon kay Zarate, dapat nang palitan ng Pangulo sina Budget Secretary Benjamin Diokno, Finance Secretary Carlos Dominguez at NEDA Director General Ernesto Pernia.

Giit ng kongresista, ang economic policies na dikta umano ng tatlo sa Pangulo ang lalong nagpahirap sa ordinar­yong Pinoy.

Idinagdag pa niya na ang pagsibak sa tatlo ay dapat sabayan ng pagbasura sa TRAIN law na pinaniniwalaang nagtulak sa pagtaas ng inflation.

Sinabi pa ni Zarate na ito ang mga hakbang na dapat gawin ng Presidente kung gusto niyang makabawi pa sa bumubulusok na trust at approval ratings.

Kung hindi umano kikilos si Duterte ay dapat nang asahan ang lalo pang pagbagsak ng ra­tings nito sa mga dara­ting na surveys.

vuukle comment

BENJAMIN DIOKNO

CARLOS DOMINGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with