^

Bansa

25% shading threshold pinaboran ng PET

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
25% shading threshold  pinaboran ng PET
Sa press briefing, sinabi ni Robredo na nakahinga na ng maluwag ang kanyang panig dahil sa ilang buwan ding pagdedepensa sa 25-percent shading na ipinatupad ng Commission on Elections noong 2016 elections.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang 25-percent ballot shading threshold kaugnay ng recount sa pagitan nina Vice Pres. Leni Robredo at dating Sen. Bongbong Marcos.

Sa press briefing, sinabi ni Robredo na nakahinga na ng maluwag ang kanyang panig dahil sa ilang buwan ding pagdedepensa sa 25-percent shading na ipinatupad ng Commission on Elections noong 2016 elections.

Ani Robredo, maging hudyat sana ang desisyon sa mas mabilis na usad ng manual recount para tuluyan na umanong maka-move on ang taumbayan sa akusasyon ng dating senador.

Sinabi pa ng PET kay Robredo na sa nagaganap na recount ay wala namang nabawas o nadagdag sa boto.

Ngunit naunang sinabi ni Robredo sa kanyang motion for reconsideration na sa vote counting sa Barangay Laganac sa Balatan, Camarines Sur nakakuha siya ng 358 votes.

Nang ipatupad ang 50 percent threshold, ay na­ging 346 ang boto sa bise presidente habang ang boto ni Marcos ay hindi nagbago.

Ayon naman sa tribunal, “highly premature” sa kampo ng bise presidente na sabihing nagkaroon ng pagkabawas sa mga boto sa kasalukuyang stage ng recount.

vuukle comment

LENI ROBREDO

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with