^

Bansa

Trust, approval ni Digong bumaba

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Trust, approval ni Digong bumaba
Mula sa 88 percent approval ng Pangulo ay bumaba ito sa 75 percent.
Presidential Photo

MANILA, Philippines — Bumagsak ang trust at approval ratings ni Pangulong Duterte sa pinakahu­ling resulta ng survey ng Pulse Asia na isinagawa nitong September 1-7.

Mula sa 88 percent approval ng Pangulo ay bumaba ito sa 75 percent.

Bumagsak din ng 15 percent ang trust ratings ni Pangulong Duterte mula sa dating 87% ay pumalo na lamang ito sa 72 percent.

Bagamat bahagyang bumaba ang trust at approval ratings ni Pangulong Duterte ay itinuturing pa rin ng Malacañang na  nanatiling ‘very good’ at mataas pa rin ang pagtitiwala ng taumbayan kay Pangulong Duterte.

Wika pa ni Roque, patuloy na gumagawa si Pangulong Duterte upang mabigyang solusyon ang problema ng bansa partikular sa isyu ng bigas at presyo ng iba pang produktong agrikultural tulad ng pagpapalabas nito kahapon ng ibat ibang kautusan upang payagan ang importasyon ng bigas, asukal at iba pang agri products upang maibaba ang presyo nito sa pamilihan.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with