^

Bansa

Duterte umamin sa sakit

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte umamin sa sakit
Ginawa ng Pangulo ang pag-amin sa kanyang talumpati sa Asia Pacific Association of Gastroenterology (APAGE) 3rd Inflammatory Bowel Disease Clinical Forum na ginawa sa Shangri-La, Mactan Resort and Spa sa Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa ng gabi.
Presidential Photo

Binawalan nang uminom

MANILA, Philippines — Sa gitna ng isyu tungkol sa totoong lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, inamin nito  mismo na sumailalim siya sa colonoscopy at endoscopy nasa isang linggo na ang nakakaraan.

Ginawa ng Pangulo ang pag-amin sa kanyang talumpati sa Asia Pacific Association of Gastroenterology (APAGE) 3rd Inflammatory Bowel Disease Clinical Forum na ginawa sa Shangri-La, Mactan Resort and Spa sa Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa ng gabi.

Sinabi umano ng doktor na tumingin sa Pa­ngulo na mayroong itong “bad case of Barret” pero mabubuhay siya kung titigil sa pag-inom.

Ayon sa statement ng Malacañang, ang gumawa ng dalawang medical procedures sa Pangulo ay si Dr. Jose Sollano na dumalo rin sa nasabing event.

Si Dr. Sollano ang chairperson ng APAGE  at dating presidente ng Philippine Society of Gastroenterology.

Inamin din ng Pangulo na ang kanyang anak na si  Sebastian “Baste” Duterte ay nakaranas din dati ng “intestinal problem.”

 Ang endoscopy ay non-surgical procedure na ginagawa  para masuri ang digestive tract ng pasyente samantalang ang colonoscopy naman ay isang uri ng pagsusuri upang makita ang pagbabago o abnormalidad sa large intestine at rectum.

Matatandaan na ilang personalidad kabilang si Rep. Gary Alejano ang nanawagan na dapat maisapubliko ang totoong lagay ng kalusugan ng Pangulo.

Naging malaking isyu rin ng ihayag ni CPP founder Jose Maria Sison na na-comatose si Duterte na mariin namang pinasinungalingan ng Malacañang.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with