^

Bansa

Oil price hike sinisi sa inflation

Christina Mendez - Pilipino Star Ngayon
Oil price hike sinisi sa inflation
“Ano ang nagtutulak sa inflation ngayon? Simple, iyang presyo ng langis,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Asia-Pacific Association of Gastroenterology 3rd Inflammatory Bowel Disease Clinical Forum sa Cebu City noong Biyernes ng gabi.
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Sinisi kamakalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtaas ng inflation sa bansa ang pagtaas ng presyo ng langis na umaabot sa P57 kada litro ng premium nitong linggong ito.

“Ano ang nagtutulak sa inflation ngayon? Simple, iyang presyo ng langis,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Asia-Pacific Association of Gastroenterology 3rd Inflammatory Bowel Disease Clinical Forum sa Cebu City noong Biyernes ng gabi.

“Dati, 43 siya. Nga­yon, 100 bawat barrel na. Mahigit nang 100 per barrel. Ibig kong sabihin, umuwi ka, gamitin mo ang kotse at lahat ng bagay, iyong aircon, langis iyan. 

Lahat ay nasa la­ngis,” patungkol niya sa presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Noong Agosto, umak­yat sa 6.4 percent ang inflation sa Pilipinas. Nalagpasan nito ang 5.9 percent na tinaya ng Department of Finance at ng polls ng Bloomberg at Reuters.

“Tignan ninyo ang lahat ng narito. Ang mik­roponong ito, ang aklat na ito, ang baso ng tubig na ito, ang inyong suot, konektado sa langis. Dahil gawa sila sa mga makina at equipment,” dagdag pa niya.

vuukle comment

OIL PRICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with