^

Bansa

P55 B ‘pork’ ng House hahanapin ni Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P55 B �pork� ng House hahanapin ni Lacson
Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos mapaulat na hindi umano tinanggal ng mga kaalyado ni dating Pangulo at ngayon ay House of Representatives Gloria Macapagal-Arroyo ang P55 bilyon na inilaan noong termino pa ni dating Speaker Pantaleon Alvarez at sa halip ay ini-realigned lamang ito.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Sen. Panfilo Lacson na bubusisiin at hahanapin niya kung saan itinago o isiningit sa budget ng House of Representatives ang diumano’y P55 bilyong pork barrel funds sa sandaling ipadala na sa Senado ang bersiyon ng panukalang P32.757 trilyong Government Appropriations Act (GAA) para sa 2019.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos mapaulat na hindi umano tinanggal ng mga kaalyado ni dating Pangulo at ngayon ay House of Representatives Gloria Macapagal-Arroyo ang P55 bilyon na inilaan noong termino pa ni dating Speaker Pantaleon Alvarez at sa halip ay ini-realigned lamang ito.

Sinabi ni Lacson na dahil sa nangyari sa Kamara, mas mapapadali ang kanilang paghahanap kung saan itinago ang nasabing P55 bilyon.

“Natutukoy, pero napakahirap. Talagang pagpa­paguran at pagpupuyatan. Pero ngayon dahil sa nangyari kahapon sa Kamara medyo sa isang banda nagpapa­salamat kami. Tuwa nga staff ko kasi medyo napadali ang trabaho. P55.555 billion na projects yan. Ang kabuuan magbubuo ng P55 billion budget ng DepEd at DoTr, mga airport. So yan medyo more or less lumiwanag at madali-daling maghanap ngayon,” sabi ni Lacson.

Ang isiningit umanong P55 bilyon ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng gulo ang ilang kongresista sa Kamara.

Nabalam ang debate sa Kamara hinggil sa 2019 proposed national budget na nagkakahalaga ng P3.757 trilyon noong Lunes matapos ilang mambabatas ang nagbunyag na may P55 bilyong halaga ang isiningit sa proposed budget na wala sa National Expenditure Program o NEP.

vuukle comment

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with