^

Bansa

Higit 6K empleyado sa ARMM mawawalan ng trabaho sa BOL

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Higit 6K empleyado sa ARMM mawawalan ng trabaho sa BOL
Sa pagdinig kahapon ng Senate committee on Finance tungkol sa budget ng ARMM inungkat ni Sen. Panfilo Lacson ang magiging kapalaran ng mga empleyado sa sandaling malusaw na ito at mapalitan ng Bangsamoro Autonomous Region (BAR).
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Mahigit 6,000 empleyado ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang mawawalan ng trabaho sa sandaling ipatupad na ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa pagdinig kahapon ng Senate committee on Finance tungkol sa budget ng ARMM inungkat ni Sen. Panfilo Lacson ang magiging kapalaran ng mga empleyado sa sandaling malusaw na ito at mapalitan ng Bangsamoro Autonomous Region (BAR).

Ayon kay ARMM Gov. Mujiv Hataman, hindi pa malinaw kung ano ang mangyayari sa mahigit nilang 6,000 empleyado.

“Well sir, may mga empleyado kaming matatanggal. Based doon sa batas 6,000 plus wala pa ring klaro ngayon,” sabi ni Hataman.

Nang tanungin ni Lacson kung saan pupunta ang nasabing mga empleyado, sinabi ni Hataman na kung tatanggapin nila ang bayad o separation pay, hindi sila maaring mag-aplay sa loob ng limang taon. Pero kung hindi naman umano sila tatanggap ng bayad ay maaring mag-aplay sa ilalim ng BAR.

Nilinaw din ni Hataman na hindi nakapaloob sa ka­nilang pondo ngayong taon ang pambayad sa mga matatanggal na mga empleyado at hindi rin malinaw kung isinama ito sa 2019 panukalang budget.

Lumabas din sa pagdinig na walang utang na maiiwan ang ARMM sa sandaling mapalitan na ito ng BAR at mayroon pa silang assets na maiiwan na mahigit sa P1 bilyon.

vuukle comment

BANGSAMORO ORGANIC LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with