^

Bansa

Digong bumisita sa mga sinalanta ni ‘Ompong’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong bumisita sa mga sinalanta ni �Ompong�
Nagsagawa rin ng aerial inspection ang Pangulo upang makita ang naging damage sa Isabela at Cagayan Valley.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Personal na nagtu­ngo kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte sa lalawigan ng Cagayan upang tingnan ang na­ging pinsala na nagawa ni bagyong Ompong.

Nagsagawa rin ng aerial inspection ang Pangulo upang makita ang naging damage sa Isabela at Cagayan Valley.

“Nakikidalamhati ako sa mga nawalan ng mahal sa buhay, sa tinatawag nating unforeseen events, sa insurance, gawa ito ng Diyos. Hindi ko alam kung gawa ito ng Diyos pero iyan ang terminong ginagamit ng insurance. Mabuti we had time to meet OCD advantage of being here right from the start,” wika ng Pangulo sa briefing kahapon sa Tugue­garao, Cagayan.

Ikinatuwa naman ni Pangulong Duterte ang mabilis na pagresponde ng mga awtoridad sa mga nangangaila­ngan ng tulong bago hanggang sa matapos manalasa si Ompong sa iba’t-ibang lugar sa Luzon.

Sa katunayan, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “very, very satisfied” daw si Pangulong Duterte.

Sa kabila nito, nagpaabot naman ng pakikiramay ang Malacañang sa mga nasawi dahil sa nasabing ma­lakas na bagyo.

Magugunita na inatasan ni Duterte sina Labor Secretary Silvestre Bello lll at Transportation Secretary Arthur Tugade gayundin si Presidential Political Adviser Francis Tolentino na umuwi sa kani-kanilang lalawigan sa Cagayan at Isabela upang personal na harapin ang problema sa bagyong Ompong.

Iniulat naman ni Tu­gade kay Pangulong Du­terte na wala namang major damages sa mga airports at sea ports sa Region 1. 2 at Cordillera maliban sa pagkasira lamang ang X-ray machine sa Tuguegarao airport.

Inatasan naman ni Duterte si Tugade na aga­rang solusyunan ang nasabing problema dahil kailangan ito ng paliparan lalo sa security measures.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with