^

Bansa

Relief goods ililipad ng C130

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Relief goods ililipad ng C130
Ayon kay Lorenzana, chairman ng NDRRMC, ang nasira sa Tuguegarao City airport ay ang passengers terminal at hindi naman ang runway kaya maihahatid pa rin ang mga relief goods sa lalong madaling panahon.

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na bagaman nagtamo ng matinding pinsala sa Tuguegarao City airport sa Cagayan ay agarang maihahatid ang mga relief goods ng C130 plane ng Philippine Air Force (PAF).

Ayon kay Lorenzana, chairman ng NDRRMC, ang nasira sa Tuguegarao City airport ay ang passengers terminal at hindi naman ang runway kaya maihahatid pa rin ang mga relief goods sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Lorenzana na binabantayan lamang na mawala ang sobrang lakas ng hangin para maihatid na ang mga relief goods.

Bukod dito, mayroon namang iba pang alternatibong airport sa lalawigan na kinabibilangan ng Cagayan North International Airport, Lallo International Airport na nagsisilbing Cagayan Special Economic Zone at maging ang Cauayan Airport sa Isabela.

Dalawang C130 Hercules plane ang naka-standby na para maghatid ng tulong medikal at relief goods sa mga lugar na hinagupit ni supertyphoon Ompong sa Cagayan sa oras na bumuti na ang panahon.

Ipinag-utos naman ni AFP-Northern Luzon Command Chief Lt. Gen. Emmanuel Salamat sa mga sundalo ang pagsasagawa ng clearing operations sa mga highways na nabarahan ng mga punong kahoy sa mga lugar sa hilagang Luzon na sinalanta ni Ompong.

Patuloy ang humanitarian disaster response operations ng rescue team ng militar at pulisya.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with