^

Bansa

Tunay na problema sa ekonomiya dapat aminin ni Duterte - Leni

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Tunay na problema sa ekonomiya  dapat aminin ni Duterte - Leni
Ayon kay Vice Pres. Leni Robredo, kailangang gamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang televised “tete-a-tete” kasama ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang oportunidad na aminin na may problema talaga at ito ang aming ginagawa”.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Ang hindi umano pag-amin ni Pangulong Duterte sa problema sa ekonomiya at iba pang suliranin ay maaari lamang umanong magpalubha sa problema sa ekonomiya ng mga Pilipino.

Ayon kay Vice Pres. Leni Robredo, kailangang gamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang televised “tete-a-tete” kasama ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang oportunidad na aminin na may problema talaga at ito ang aming ginagawa”.

Marami umanong mungkahi para masolusyunan ang inflation ngunit hindi inaaksyunan.

Binanggit nitong halimbawa ang Bawas Presyo Bill ni Sen. Bam Aquino at Marikina Rep. Miro Quimbo na naglalayong isuspinde ang pagpapataw ng excise tax sa gasolina dahil sa maaaring epekto ng mas mataas na presyo ng langis sa iba pang pangunahing mga kailangan.

Aniya, dapat magbigay ng katiyakan ang gobyerno  na “it is on top of the situation”  kaysa magmistulang “out of control” at magdulot ng pag-aalala na ang buhay ay magiging mas mahirap. Hinikayat din nito ang Malacañang na resolbahin agad ang krisis sa bigas. Ang pagtanggi umano ng Pangulo sa rice shortage  ay salungat sa nararanasan ng mga Pilipino sa buong bansa.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with