^

Bansa

Pagdami ng holidays pinuna ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagdami ng holidays pinuna ng Senado
Nabitin ang pagpasa sa Senado ng House Bill 5563 na naglalayong ideklara bilang special non-working holiday ang April 21 ng bawat taon sa munisipalidad ng Orani, Bataan matapos punahin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na walang “standard” na sinusunod sa pagdedeklara ng mga local holidays.

MANILA, Philippines — Pinuna ng ilang senador ang pagdami ng bilang ng mga special non-working holidays sa iba’t ibang panig ng bansa na hindi nakakatulong sa ekonomiya.

Nabitin ang pagpasa sa Senado ng House Bill 5563 na naglalayong ideklara bilang special non-working holiday ang April 21 ng bawat taon sa munisipalidad ng Orani, Bataan matapos punahin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na walang “standard” na sinusunod sa pagdedeklara ng mga local holidays.

Nais ni Drilon na maglabas muna ng standard o panuntunan ang committee on local government ni Sen. Sonny Angara sa mga idinideklarang local holidays na ang panukalang batas ay kalimitang nagmumula sa House of Representatives.

Pinuna ni Drilon na bukod sa selebrasyon ng Foundation Day sa iba’t ibang munisipalidad ng bansa, may mga pagtatangka na rin na gawing non-working holiday ang paggunita sa pagdating ng malakas na bagyo o baha.

Noong nakaraang taon inilabas ng Malacañang ang Proclamation 348 upang gawing non-working holiday ang November 8, 2017 sa Tacloban City para gunitain ang pananalasa ng bagong Yolanda noong Nobyembre 2013.

Kapag idineklara ang isang special non-working holiday, ang mga manggagawa ay nakakatanggap ng karagdagang 30 porsiyento sa kanilang sahod.

Naniniwala si Drilon na panahon na para i-rationalize ang pagdedeklara ng mga holidays dahil hindi ito nakakatulong sa ekonomiya.

Ayon naman kay Angara, ang lahat ng munisipalidad, siyudad at probinsiya ay pinapayagan na magkaroon ng dalawang special non-working holidays bukod pa sa regular na holidays na ipinatutupad sa buong bansa.

Ipinunto ni Drilon na kung hindi rerendahan posibleng magkaroon ng dalawang special non-working holidays sa lahat ng 1,489 na munisipalidad, 145 siyudad at 81 probinsiya sa bansa.

“Should this be allowed? If it is then… we would be a country of holidays,” sabi ni Drilon.

vuukle comment

FRANKLIN DRILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with