^

Bansa

30 HIV/AIDS patients namatay nitong Hulyo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
30 HIV/AIDS patients namatay nitong Hulyo
Sa datos ng HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines (HARP) noong Hul­yo, lumilitaw na sa bilang ng mga nasawi ay 28 ang lalaki at dalawa ang babae.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Makaraang umabot sa full blown AIDS, 30 pas­yente ng HIV/AIDS infection ang iniulat na namatay noong Hulyo 2018.

Sa datos ng HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines (HARP) noong Hul­yo, lumilitaw na sa bilang ng mga nasawi ay 28 ang lalaki at dalawa ang babae.

Isa sa nasawi ay wala pang 15-anyos ang edad, tatlo naman ang 15-24 taong gulang, 15 ang nasa 25-34 years old, siyam ang nasa 35-49 at dalawa ang nasa 50-taon pataas.

Dahil dito, umaabot na sa 2,735 pasyenteng may HIV/AIDS ang nasawi simula Enero 1984 hanggang Hulyo 2018.

Pinakamaraming na­ita­lang bagong kaso ng sakit sa NCR, sumunod ang Region 4A, Region 3, Region 6, Region 7 at Region 11.

Ang pakikipagtalik pa rin ang pinakamalaking dahilan ng pagkakaroon ng AIDS ng mga biktima, kabilang dito ang mga lalaking nakikipagtalik sa kanilang kapwa lalaki, needle sharing, mother-to-child transmission habang walang data kung paano nahawa ang pito pang natitirang kaso.

May mga OFW pa rin na nagkasakit ng HIV/AIDS infection na umabot sa 72 na bago pa lamang na-diagnose noong Hulyo.

vuukle comment

HIV/AIDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with