^

Bansa

DA chief sinabon ni Villar

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
DA chief sinabon ni Villar
Hindi napigilan ni Sen. Villar na magtaas ng boses matapos panindigan ni Piñol na walang rice shortage sa bansa.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sinabon ni Senate committee on agriculture Chairperson Sen. Cynthia Villar si Agriculture Sec. Manny Piñol sa isinagawang budget hearing ng Department of Agriculture kahapon.

Hindi napigilan ni Sen. Villar na magtaas ng boses matapos panindigan ni Piñol na walang rice shortage sa bansa.

Sa pagtatanong kasi ni Villar, inusisa nito si Piñol kung bakit nananatili ang shortage ng ilang agriculture products.

Subalit ang isinagot ng DA chief, wala naman talagang shortage dahil may sapat na produksyon ng pagkain.

Dito na nadismaya ang senadora at sinabing sa taas ng presyo ng bigas at agriculture products ay nakapagtatakang nasasabi pa ng DA na walang kakapusan.

Para kay Villar, hindi sinasabi ng DA chief ang tunay na sitwasyon sa pamilihan at mga kumukonsumo ng pagkain.

Ipinaliwanag naman ni Piñol, sapat pa rin ang bigas at ibang uri ng pagkain ngunit ang nakakasagabal lang minsan sa distribusyon ay ang lagay ng panahon at iba pang factors na hindi inaasahan.

Pinuna rin ng mga senador ang pagbaba ng budget allocation para sa DA na aabot na lang sa P7 billion mula sa dating P11 billion na kanilang hinihingi.

Paglilinaw ni Piñol, hindi sila ang nagbawas ng pondo kundi ang Department of Budget and Management.

vuukle comment

CYNTHIA VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with