‘Mocha sobra minsan’- Digong
MANILA, Philippines — Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na minsan ay sumosobra rin si Presidential Communication Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson pero ipinagtanggol agad ito ng punong ehekutibo.
Kahit inamin ni Pangulong Duterte na sumosobra din paminsan-minsan si Uson ay dinepensahan niya agad ito at hiniling sa publiko na respetuhin ang freedom of expression nito.
“Si Mocha maraming kalaban… There are things na tingin ko medyo nasobrahan. But just the same, as a president who is sworn to take the constitution and enforce it, it is covered by freedom of expression,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte sa Filipino community sa Israel kamakalawa ng gabi bilang bahagi ng kanyang 4-day state visit sa Israel.
“Kung ano ang gusto n’yang sabihin, ke empleyado siya ng opisina ko o sa labas as a private citizen, that is not really my concern as long as it is covered sa proviso ng constitution: freedom of expression,” dagdag pa ni Duterte.
Umani ng pagbatikos si Uson sa kanyang viral video na ‘pepe-dede-ralismo’ sa blog nito kung saan ay hiniling ng mga kritiko kay Duterte na tanggalin si Uson sa PCOO.
Naging ‘cool’ lamang ang Pangulo sa naging viral video at sinabing bahagi lamang ito ng freedom of expression ni Uson.
- Latest