Presyo ng bigas pinako-kontrol
MANILA, Philippines — Kinalampag kahapon ni Sen. Chiz Escudero ang Department of Trade and Industry upang kontrolin ang presyo ng bigas sa gitna ng ginagawang pagsasamantala ng mga importers at traders sa nangyayaring rice shortage sa ilang parte ng bansa.
Ayon kay Escudero, dapat magkaroon ng “price ceiling” sa bigas dahil overpriced ito ng nasa P4 hanggang P13 samantalang overpriced naman ng mula P28 hanggang P38 sa Zamboanga City.
Nauna rito, napilitan ang Zamboanga City government na ilagay ang siyudad sa ilalim ng state of calamity dahil sa rice shortage kung saan tumaas ang presyo ng P50 hanggang P70.
Noong nakaraang linggo, inihayag ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na “officially over” na ang krisis matapos dumating ang mga bagong stocks mula sa National Food Authority at iba pang karatig lalawigan.
- Latest