^

Bansa

Pagbuwag sa NFA kinontra

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagbuwag sa NFA kinontra
Sinabi ng Makabayan bloc na kapag nawala ang NFA ay maiiwan sa kamay ng mga rice traders ang pamimili at bentahan ng bigas kaya delikado na lalong tumaas ang presyo ng bigas sa merkado dahil kita ang unang inaatupag nila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tinutulan ng Makabayan bloc sa Kamara ang panawagan ni Sen. Cynthia Villar na buwagin na ang National Food Authority (NFA) sa gitna ng nagpapatuloy na problema sa bigas.

Sinabi ng Makabayan bloc na kapag nawala ang NFA ay maiiwan sa kamay ng mga rice traders ang pamimili at bentahan ng bigas kaya delikado na lalong tumaas ang presyo ng bigas sa merkado dahil kita ang unang inaatupag nila.

Mahalaga rin umano ang papel ng NFA para maibaba at mapanatiling matatag ang presyo ng bigas.

Kaya sa halip na buwa­gin ang NFA, kailangan uma­nong palakasin ang ahensiya lalo na ang kapasidad nito na bumili ng ani ng mga lokal na magsasaka.

Iminungkahi pa ng Makabayan bloc na dapat nang itaas sa P20 kada kilo ang buying price ng NFA sa mga magsasaka mula sa kasalukuyang P17 per kilo.

Hindi na rin umano dapat maulit ang nangyari noong 2017 na mahigit 28,000 metric tons o .001% lamang ng 19.2 million metric tons na total production ng mga magsasaka ang nabili ng ahensiya.

Kaya ito umano ang isa sa dahilan kung bakit nagkukulang ang supply ngayon ng bigas na nagtutulak sa pagtaas ng presyo nito.

vuukle comment

CYNTHIA VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with