^

Bansa

Pagbuwag sa NFA igigiit ng Senado

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pagbuwag sa NFA igigiit ng Senado
Ito’y dahil hindi naman nagagawa ng NFA ang kanilang mandato na magkaroon ng buffer stock ng bigas para matulungan ang mga magsasaka at mga kumokonsumo ng bigas.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Sen. Cynthia Villar na kasali sa kanilang pinag-iisipan sa Senado ang pagbuwag sa National Food Authority (NFA).

Ito’y dahil hindi naman nagagawa ng NFA ang kanilang mandato na magkaroon ng buffer stock ng bigas para matulungan ang mga magsasaka at mga kumokonsumo ng bigas.

Kapag naipasa na raw ang Rice Tarrification Bill, mali-liberalize umano nito ang importation ng bigas at malaki ang maitutulong nito sa mga local farmers sa bansa.

Wika pa ni Sen. Villar, kapag nagawa nila ito ay posibleng buwagin na ang opisina ng NFA.

Idinagdag pa ng senadora na hindi raw nagagawa ng Philippine Competition Commission na tutukan at gumawa ng paraan para mapigilan ang rice cartel na isa sa nagiging dahilan sa pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.

Kung tutuusin wala raw dahilan para tumaas ng higit P40 ang presyo ng bigas, lokal man o imported dahil ang puhunan nito ay nasa P25 hanggang P36.

Dapat kumilos na ang gobyerno para magkaroon ng price control sa bigas para hindi naabuso ang presyo nito, giit pa ni Villar.

vuukle comment

CYNTHIA VILLAR

NATIONAL FOOD AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with